MAIHAHALINTULAD nga ba ang anumang bisyo sa kumunoy, na sinuman ang sumubok nito ay tuluy-tuloy nang mababaon?

Lubos na naming naiintindihan kung bakit itinigil na ng isang TV network ang pagbibigay ng bagong pagkakataon para makabalik sa showbiz ang talented na dating batang aktor.

Ilang beses na kasing pinagbigyan ng TV network ang batang aktor noon at sa katunayan, kahit has-been na ay pawang lead role pa rin ang pinagampanan sa dating batang aktor sa mga mini-serye.

Marami pa nga ang nag-akala na for good na ang pagbabalik ng batang aktor noon dahil madalas na uli siyang mapapanood, pero biglang nawala na naman at wala na uling kabali-balita tungkol sa kanya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hanggang sa may nakakuwentuhan kaming executive ng isang reality show, na nag-audition pala ang dating batang aktor na sinuwerteng makapasa.

Pero nakakailang episode pa lang ang reality show ay agad na siyang pinagplanuhang tsugihin dahil hindi pa rin pala ito nagbabago. Sa madaling sabi, may bisyo pa rin.

Nagulat na lang daw ang iba pang contestants ng reality show nang biglang maging hyper at kung anu-ano na ang pinagsasabi at pinaggagawa ng dating batang aktor.

Natakot sa bagets ang kanyang kasamahang contestants kaya nagkaisa ang mga ito na isumbong sa executive ang dating batang aktor, at ang naging desisyon, “tsugihin na!”