BAGUIO CITY – Isinusulong ngayon ng Abra Provincial Peace and Order Cuncil ang paglalagay ng mga closed circuit television (CCTV) sa mga bayan na malimit pangyarihan ng krimen, lalo na sa Bangued, Abra.

Ayon kay PPOC Chairman Governor Eustaquio Bersamin, malaking tulong ang CCTV para mapadali ang pagresolba sa isang krimen, kaya inatasan niya ang Abra Police Provincial Office na i-survey ang strategic na lugar na paglalagyan ng mga CCTV.

Sa ilalim ng CCTV Ordinance na ipatutupad ngayong taon, inoobliga ang lahat ng mga business establishment na maglagay ng sariling CCTV sa harap, loob at likuran ng establishmento, bilang proteksyon sa kanilang negosyo at makatulong sa paglutas sa krimen.

Tatlong bayan sa Benguet ang inaasahang malalagyan ng CCTV sa tulong ng Benguet Electric Cooperative (Beneco), para suportahan ang peace and order na isinusulong ng opisyal at pulisya.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Ayon kay Beneco Board of Director President Peter Busain, pinag-uusapan na nila ng mga mayor sa Buguias, Tublay at La Trinidad ang mga lugar na paglalagyan ng mga CCTV ngayong taon.