NABALITAANG diumano’y tinawag na “coward” ni Angelina Jolie ang kanyang asawang si Brad Pitt dahil hindi siya nito sinamahan sa Critic’s Choice Awards.

Matatandaan na mag-isang dumalo ang direktor ng Unbroken sa nasabing okasyon. Nandoon din sa seremonya ang ex-wife ni Brad na si Jennifer Aniston.

Ayon sa ulat ng isang insider sa Life & Style, “Angie called him a coward,” at “When he tried to comfort her, she pushed him away and said, ‘Don’t touch me.”

Sa awards rites nitong Enero 15 lamang muling nagkasabay na dumalo sa iisang event ang dalawang aktres simula noong 2009 Oscars. Bagamat hindi nagkasalubong ang dalawa, hindi nagustuhan ni Pitt ang paninisi ng asawa pag-uwi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“He stormed out of the room, put some personal belongings in a bag and took off,” ayon sa isang source.

Kasal ang 51 taong gulang na Cake actress kay Brad noong 2000-2005. Pinakasalan naman nito si Angelina noong nakaraang taon kasama ang kanilang anim na anak.

Sa kabila ng tensiyon na namamagitan sa mag-asawa, nagsalita naman si Jennifer tungkol sa kanyang ex-husband at ang kanyang pagkadismaya sa hindi matapus-tapos na mga intriga sa kanila.

“I think that’s slowly coming to an end. I really do,” sabi ng aktres sa ET Online tungkol sa madalas na pagkukumpara sa kanila ni Angelina bago pinuri ang pelikula nitong Unbroken. “I mean, that movie is so beautiful and wonderful and she did such a gorgeous job. I think that it’s time people stop with that petty B.S. and just start celebrating great work and stop with the petty kind of silliness. It’s just tiresome and old. It’s like an old leather shoe. Let’s buy a new pair of shiny shoes.”