BUKAS (Sabado, Enero 31) sa Sarap Diva, hindi na kailangan pang manghula tungkol sa inyong lovelife dahil ang real-life love expert na si Alma Moreno ang magbabahagi ng kanyang love advices sa ating Kapuso callers. 

regine-at-alma-copyMakakasama niya ang love DJ ng Barangay LS na si Papa Dudut. Abangan din ang song at dance number nina Regine Velasquez-Alcasid at Alma .

Huwag palampasin ang isang Sabadong puno ng kuwentuhan, sayawan at tawanan, at hindi naman mawawala ang kantahan sa Sarap Diva, simula 9:40 AM pagkatapos ng Tropang Potchi sa GMA.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?