NUEVA ECIJA— Tumagal lamang ng mahigit isang buwan bago nadakip ang dalawang most wanted sa magkahiwalay na manhunt operation ng mga awtoridad sa Nueva Ecija kamakalawa.

Unang nasukol sa kanyang pinagtataguan si Bayani Sabado y Jacob, 37, may asawa, residente ng Bgy. San Juan, Aliaga, Nueva Ecija, may kasong paglabag sa RA 7610 (CC-22304-AF) sa bisa ng warrant of arrest (WOA) na ipinalabas ni RTC Judge Johnmuel Romano RD Mendoza ng Branch 16.

Sa bisa naman ng WOA na inisyu ni Judge Angelo C. Perez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 87 ng Cabanatuan City, nasakote si Benigno Quijano y Rivera, 52, may asawa, residente ng Rio Chico, Gen. Tinio, Nueva Ecija sa kasong Arson (CC-180-18-14) na inisyu noong Enero 9, 2015.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20