Plano ng concessionaire ng Manila-Cavite Toll Expressway, o Cavitex, na pahabain ang toll road hanggang Cavite City kapag natuloy ang balak ng gobyerno na magtayo ng bagong international airport sa Sangley Point.

Bagamat ang orihinal na alignment ng Cavitex ay nagtatapos sa Cavite City, itinigil ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) ang pagdurugtong sa expressway dahil sa luma na ang pag-aaral dito, at naiba na rin ang ruta ng biyahe ng mga motorista.

Ang Cavitex ay nagsisimula sa Roxas Boulevard sa NAIA Road sa Parañaque at nagtatapos sa Tirona Highway sa Kawit.

Matatandaang inihayag mismo ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya na plano ng administrasyong Aquino na magtayo ng isang $10-billion international airport sa Sangley Point sa Cavite City bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III sa susunod na taon.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

Lumutang ang panukalang magtayo ng bagong international airport makaraang makumpirmang aabot na sa maximum capacity ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pagsapit ng 2018 o 2020.