Enero 28, 1986 nang biglang sumabog ang space shuttle Challenger dakong 11:38 ng umaga Eastern Standard Time, 73 segundo matapos umalis mula sa Cape Canaveral sa Florida. Walang nakaligtas sa pitong crew member, kabilang na ang guro ng social studies na si Christa McAuliffe. Milyun-milyon ang sumaksi sa telebisyon sa nangyaring trahedya. Ito ang unang aksidente sa space shuttle.

Enero 23 nang taong iyon unang itinakda ang launching ng Challenger, ngunit ipinagpaliban ito dahil sa sama ng panahon at mga problemang teknikal.

Dahil sa trahedya, bumuo si noon ay United States President Ronald Reagan ng espesyal na investigative commission na pinangunahan ni noon ay US Secretary of State William Rogers. Base sa resulta ng imbestigasyon, hindi gumana ang elastic “O-ring” sa isa sa dalawang solid-fuel rocket dahil sa malamig na temperatura na nagbunsod sa aksidente.

Ipinagpatuloy ang biyahe ng space shuttle noong Setyembre 1988, nang mailunsad na ang Discovery.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga