New York (AFP)– Dalawang laro ng National Basketball Association na naka-iskedyul kahapon sa New York ang ipinagpaliban dahil sa paparating na malaking winter snowstorm, ito ang inanunsiyo ng liga ilang oras bago ang mga nakaplanong tip-offs.

Ang laban ng Sacramento Kings kontra sa New York Knicks ay na-reschedule sa Marso 3 sa Madison Square Garden.

Sa kabilang dako, ang Portland Trail Blazars na nakatakda sanang harapin ang Brooklyn Nets ay sasabak naman sa Abril 6 sa Barclays Center.

Inaasahang magkakaroon ng masamang panahon sa New York at sa malaking bahagi ng northeastern United States.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagbabala si Bill de Blasio, mayor ng New York, na ang snowstorm ay may posibilidad na maging isa sa pinakamalaking blizzard sa kasaysayan na nagbuhos ng mahigit tatlong talampakan (may isang metro) ng snow sa ilang lugar.