“GANO’N ba talaga ilaglag ni Gerald (Anderson) ‘yung kapatid niya? ‘Binubuking niya sa TV na hiraman sila ng damit? Pati ‘yung underwear? Paano naman ang image nu’ng kapatid niya sa ibang tao? ‘Di ba dapat hindi na ‘yun sinasabi sa TV?”

Gerald-Anderson-copy-259x300Ito ang bungad na tanong sa amin ng mga nakapanood ng Gandang Gabi Vice nang mag-guest ang magkapatid na Gerald at Ken Anderson.

Napanood din namin ang naturang episode na tuwang-tuwa si Vice sa pambubuking ng una.

Ganoon naman talaga ang concept sa GGV, laglagan, at kapag napikon ka, talo ka. 

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga nga grabe rin kung maglaglagan at maglaitan sa national TV pero wala namang kumukuwestiyon, paliwanag namin sa mga nagtanong.

“Iba naman kasi ‘yung kina Toni at Alex, cute ang dating saka hindi naman sila umabot sa underwear na naghihiraman at wala ring sinabi si Toni na siya ang nagpapakain sa pamilya niya though alam naman ng lahat na umangat ang buhay nila dahil sa kinikita niya at magandang na-handle ng magulang niya,” katwiran naman sa amin.

Inanalisa namin ang mga pahayag ni Gerald pero wala talaga kaming makitang off, dahil siguro lalaki siya kaya naging direct to the point lang siya at pati ‘yung sinabi niya sa presscon ng Halik Sa Hangin under Star Cinema na nabanggit nga niyang hindi pa siya handang mag-asawa dahil, “I have so many mouth to feed” na totoo naman talaga dahil nga sa kanya nakaasa ang mga kapatid at magulang niya.

Nagiging honest lang si Gerald o siguro ‘yung choice of words o tono ng pagkakasabi niya ang hindi nagustuhan ng iba, pero para sa amin ay naging totoo lang siya.

At tungkol naman sa magiging imahe ni Ken sa tao, e, okay lang naman ‘yun at lalaki naman siya at siya rin naman mismo ang umamin na lahat ng gamit niya pati underwear ng kuya niya.

Magiging challenge nga iyon para kay Ken na magsumikap para makilala para hindi na siya aasa pa sa kapatid niya.