Isang 36-anyos na babae ang pinagsasaksak ng kanyang lover na pinilit lang siyang sumama sa motel sa Quezon City noong Lunes.

Agad na naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Genaro Manalo, 29, ng Sitio Matiaga, Barangay Balibago, Lobo, Batangas City.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong 9:45 ng gabi noong Lunes nang mag-check in si Manalo kasama ang nobya niyang si Vismelyn Jardinel, residente ng Imus, Cavite, sa Relax Apartelle sa Barangay Socorro, Cubao.

Matapos ang ilang sandali, narinig ng security guard na si Vicente Bea ang pagsigaw ng babae sa loob ng motel room.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang puntahan ni Bea ang silid ay hindi ito binubuksan ng dalawa kaya humingi siya ng tulong sa pulisya.

At nang buksan ang pinto ay bumulaga sa awtoridad ang nakahandusay na bangkay ni Jardinel na may saksak sa leeg habang tulalang nakaupo si Manalo sa isang sulok.