SEnate-BBL-Hearing_07pionilla_260115-619x471

Sinuspinde ni Senator Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng pag-uusap at pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL) kasunod ng pamamaslang sa 30 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa bayan ng Mansapang sa Maguindanao nitong Linggo.

Ayon kay Marcos, hanggang hindi nagkakaroon ng linaw kung anong grupo ang nakasagupa ng SAF ay hindi muna magkakaroon ng pagdinig ang Senado sa panukala.

Una nang napaulat na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nag-ambush sa mga kasapi ng PNP-SAF, katuwang pa umano ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“I decided to suspend indefinitely all discussions and hearings related to the passage of the Bangsamoro Basic Law until this is clarified. We cannot in conscience, proceed with these hearings while a cloud of serious doubt hangs over the security situation in the south. A peace agreement cannot be legislated under the threat of such extreme violence. Violence has no room in a civilized society,” ani Marcos.

Inaasahang magiging ganap na batas ang BBL ngayong taon para mabigyang-daan naman ang kapayapaan sa Mindanao.

Isinusulong ang pagpapatibay sa BBL para sa pagtatatag ng bagong rehiyon sa bisa ng kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno sa MILF.

Kinondena ni Marcos ang huling karahasan at ang paggamit ng MILF ng dahas para ikanlong ang mga terorista.

Magsisilbi sana ng warrant of arrest ang SAF laban sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli bin Hir, sa Barangay Tukanalipao at kay Basit Usman nang sumiklab ang engkuwentro.

Katwiran naman ni Von Al Haq, vice chairman for military affairs ng MILF, walang koordinasyon sa kanila ang SAF at malinaw na isa itong paglabag sa peace agreement.