Darating ang lahat ng 13 foreign squads, 11 continental at dalawang national teams, sa Biyernes salawang araw bago isagawa ang ika-6 edisyon ng Le Tour de Filipinas na papadyak sa scenic at challenging roads sa Bataan sa kapital ng Balanga.

Unang darating para sumabak sa karera na iprinisinta ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation at Smart ay ang Navitas Satalyst Racing Team ng Australia, susundan ng Pishgaman Yzad Pro Cycling Team ng Iran, ang CCN Cycling Team ng Brunei, ang Kazakshtan National Team at ang Team Novo Nordisk ng US, ang unang professional cycling team na kinabibilangan ng mga siklista na mayroong Type 1 Diabetes.

Ang iba pang koponan ay ang Taiwan’s RTS Santic Racing Team at Attaque Team Gusto, Thailand’s Singha Infinite Cycling Team, Indonesia’s Pegasus Continental Cycling Team, Malaysia’s Terengganu Cycling Team, Japan’s Bridgestone Anchor Cycling Team, Iran’s Tabriz Petrochemical Team at ang Uzbekistan National Team na magsisidaratingan din sa nasabing araw.

Makikipagsabayan sila kontra sa local squads na 7-Eleven-Road Bike Philippines at ang PhilCycling’s National Team sa Pebrero 1 hanggang 4 sa UCI Asia Tour race na kaakibat ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon bilang major sponsors.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ang mga koponan ay dadalhin bago ang unang bugso ng karera sa Balanga sa Biyernes. Ang cyclists ay magkakaroon ng isang araw na pagsasanay sa Sabado kung saan ang organizing Ube Media ay magsasagawa ng Team Managers meeting na pangungunahan ni Le Tour organizer Donna Lina at UCI International Commissaire Peter Tomlinson ng Australia.

Papadyak ang Le Tour bilang kicks off ng UCI’s Asia Tour 2015 calendar at magmamarka sa ika-60 taon ng multi-stage road racing sa bansa.

Magsisimula ang karera sa Pebrero 1 kung saan ay babaybay sa 126-km Balanga-Balanga (Bataan) Stage One, sususndan ng 153.75-km Balanga-Iba (Zambales) Stage Two, 149.34-km Iba-Lingayen (Pangasinan) Stage Three at ang 101-km Lingayen-Baguio City Stage Four.