Pinaalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina, sa pamamagitan ng Nutrition Section ng City Health Office, ang mga may-ari ng karinderya at mobile vendors na hangga’t maari ay iwasan ang mamantekang pagkain at imbes ay masustansiyang putahe ang ihahain at panatilihin ang kalinisan.

“Batid natin na ang mga Pilipino ay likas na mahilig kumain, ngunit kasabay ng pagkonsumo ng maraming pagkain ay mga sakit tulad ng obesity, sakit sa puso at iba pa. Kung kaya naman tayo rito sa Marikina, nais nating bigyang paalala ang mga residente na kumain nang sapat at masustansyang pagkain upang makaiwas sa anumang sakit. Iwasan din ang sobrang dami ng sangkap o pampalasang nakasasama sa kalusugan,” payo ni Dr. Alberto Herrera.

Namahagi ang CHO ng recipe book, information materials, tissue box at apron para maipatupad ang nabanggit na panuntunan.

ALAMIN: Pagbabago sa holiday schedule sa ilang public transportation sa Metro Manila