Pinayuhan kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nataasang magbantay sa 19 na high profile inmates na nakapiit sa detention cell na iparating sa kanilang direktor ang kanilang mga hinanaing sa halip na ilabas ito agad sa media.

Ang pahayag ay ginawa ni de Lima matapos maiulat na ilang NBI agents na nagbabantay sa mga inmates ay nagkakasakit na dahil sa mas mahabang oras na duty kasunod na rin ng mas mahigpit na seguridad na ibinibigay sa mga inmates.

“I don’t understand kung bakit publicly airing yung mga hinanakit nila kaagad yung mga hinaing nila, andali namang iresolve nung mga ganyan for as long as nakakarating sa kinauukulan,” paliwanag ni de Lima.

Aniya, wala pa siyang impormasyon sa ngayon na may nagrereklamo sa NBI, gayunpaman kung may mga ganito umanong insidente ay mainam na maresolba sa pamamagitan din ng pakikipag-usap kay NBI Director Virgilio Mendez.
National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'