DALLAS (AP) – Isang koleksiyon ng memorabilia ni Abraham Lincoln, na kinabibilangan ng ilang hibla ng buhok ng pinaslang na presidente, ang naibenta ng mahigit $800,000 sa isang subasta sa Dallas nitong Linggo.

Umabot sa $803,889 (P35.4 milyon) ang bid para sa koleksiyon ni Donald P. Dow, at doble ito sa inasahan, ayon kay Eric Bradley, tagapagsalita ng Heritage Auctions na nakabase sa Dallas.

Sinabi ni Greg Dow na ang kanyang ama, na pumanaw limang taon na ang nakalilipas, ay labis na nahumaling sa mga insidente ng pagpatay sa mga pangulo ng bansa.

Ang ilang hibla ng buhok, na kinuha ni Surgeon General Joseph K. Barnes ilang minuto makaraang mabaril si Lincoln ni John Wilkes Booth, ay naibenta ng $25,000 (P1.1 milyon).

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Ang liham ni Booth noong 1861 para sa isang kaibigan na pinagyayabangan niya ng kanyang career at kahalagahan bilang aktor ay nabenta ng $30,000 (P1.32 milyon).

“The public was so disgusted by Booth’s atrocity that most all letters, signatures and documents mentioning him were destroyed after Lincoln’s death, making any that survive 150 years later exceedingly rare and valuable,” sabi ni Don Ackerman, Consignment Director for Historical Americana ng Heritage Auctions. “The Dow Collection gave us a unique perspective of the assassination and I doubt we’ll ever see a grouping like this outside of a museum setting.”