Tinanghal na pinakamabilis uminom ng beer sa bansa ang koponan mula sa Sitio Bato, Borongan, Eastern Samar, matapos nilang masungkit ang kampeonato sa katatapos na 15th Edition ng San Miguel, Inc. National Beer Drinking Contest (Pale Pilsen segment).

Tumataginting na P250,000 ang nakuha ng Team Sitio Bato ng Borongan, Eastern Samar na binubuo nina Charlie Katalbas, Ronnel Cananua, Benjamin Bagas at Fortunato Cananua at Jovencio Alcido Jr.

Nagtala ng 48.81 segundo ang kanilang koponan sa pag-inom ng beer at pumangalawa sa kanila ang Barangay Parang, Marikina Team na naorasan ng 50.1 segundo.

“Malaking tulong po ang premyong ito para sa pagsisimula ng bagong negosyo, lalo pa’t ang aming lalawigan ay dalawang ulit na binagyo,”ani Alcid.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Sa Red Horse Beer category, nakuha naman ng Barangay Masikap mula sa Puerto Princesa City, Palawan ang kampeonato para maisubi ang P250,000 premyo, habang sa San Miguel Light category na premyong P50,000 ay nakuha ng Caloocan City.

Ang Manila team naman ang kumopo sa Flavored Beer para humakot ng P25,000 cash.

Ang annual beer-drinking competition ay nilahukan ng mahigit 300,000 tomador ng beer mula sa 20,000 barangay sa bansa, ayon kay James Lopez, media relations officer.