Isang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang patay makaraang pagbabarilin ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si PO3 Frederick Gracilla, nakatalaga sa QCPD Station 9 sa Anonas at nakatira sa Barangay Loyola Heights sa Quezon City.

Agad na binawian ng buhay si Gracilla sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo at katawan.

Dakong 11:00 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa may Esteban Abada Street sa Loyola Heights.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binabaybay ni Gracilla, na noon ay hindi nakasuot ng uniporme ang Esteban Abada nang bigla na lang bumulaga ang magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril siya nang malapitan.

Makaraan ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek.

Hinala ng pulisya, posibleng may kinalaman ang krimen sa umano’y nakaraang alitan ng biktima sa isang Muslim sa transaksiyon sa ilegal na droga.