Limang buwan bago ang opisyal na pagbubukas ng 28th Southeast Asian Games, maagang sinimulan ng Singapore Southeast Asian Games Committee (SINGSOC), ang organizer ng SEAG, ang pagbebenta ng tiket kung saan ang kompetisyon ay magsisimula sa Hunyo 5 hanggang 16.

Hangad ng Singapore na maipamalas ang kakaibang seremonya sa temang “Celebrate the Extraordinary” bukod pa sa nakatuon ang organizers na makapagtala ng bagong rekord para sa gaganaping engrandeng opening show sa Hunyo 5.

“It is our turn to host the SEA Games after 22 years and it will happen during Singapore’s Golden Jubilee,” sinabi ni Lim Teck Yin, chairman ng SINGSOC.

“The occasion calls for a fitting celebration, one that will bring communities together and invoke a sense of pride and ownership in Singaporeans. We are pleased to have the Singapore Armed Forces and various volunteer groups contribute to the SG50 celebrations by partnering us through the ceremonies,” pahayag pa nito.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“I would like to thank the team for their hard work and countless hours of sweat and sacrifice. They are striving to make the ceremonies a spectacular event and one that everyone will look forward to and remember for a lifetime.”

Target din nito na ang 28th SEA Games, na tatampukan ng 11 regional NOC’s, na makatulong sa selebrasyon ng ika-50 taon ng Independence Day ng Singapore.

Una namang matutunghayan ang opening at closing ceremony sa multi-sport na torneo sa bagong gawang National Stadium na lalahukan ng 4,000 entertainers. Umaasa ang organizers na ang opening ceremony ay panonoorin ng mahigit sa 600 milyong katao sa rehiyon.

Nagsimulang ibenta ang tiket sa publiko noong Enero 22 habang ang tiket sa kompetisyon ay ipapamahagi sa Pebrero.