Isang pitong taong gulang na lalaki ang kritikal ngayon matapos aksidenteng maputukan habang pinaglalaruan ang baril ng kanyang lolo sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jerich Maquiso, residente ng Barangay Payatas A, Quezon City.

Dakong 10:00 ng gabi nitong Huwebes nang simulan umano ng bata na paglaruan ang baril ng kanyang lolo sa akalang toy gun ito.

Makalipas ang ilang segundo ay isang malakas na putok ang narinig ng mga kamag-anak ng paslit at nang magtakbuhan sa loob ng bahay ay natagpuan na nilang namimilipit sa sakit si Jerich habang may tama ng bala sa tiyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isinugod ang paslit sa FEU General Hospital at nagpapagaling na ngayon, ayon sa pulisya.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang lolo ng biktima kung pananagutin sa batas dahil sa kapabayaan na nagbunsod sa accidental firing.