TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Kailan lang natuklasan ng Tacurong City Police-Traffic Division na nakaw pala ang Honda XRM motorcycle na nakabinbin sa kanilang tanggapan noon pang Nobyembre 29, 2014, matapos itong matunton sa records ng Land Transportation Office (LTO).

Ito ang nakumpirma nina SPO3 Eligio Catbagan at SPO1 Esther Panila sa mga dokumentong iprinisinta ng mag-asawang Loreto at Grace Andrada, ng Brgy. Dumadalig, Tantangan, North Cotabato, at napatunayang lehitimong pag-aari ng mag-asawa ang motorsiklo.

Napag-alaman na ang nasabing motorsiklo ay ninakaw ng hindi pa kilalang suspek habang nakaparada sa harap ng isang pribadong kolehiyo sa Koronadal City noong Nobyembre 29, 2014.

Napasa-kostudiya ng pulisya ang motorsiklo makaraang maaksidente at abandonahin sa lungsod.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20