iñigo-at-julia-copy-413x500

ANG mga baguhang artista na lang ang napapasunod ngayon ng TV networks dahil kailangan pa nilang magpakilala.

Tulad ng mga anak ng mga artistang sina Iñigo Pascual (Piolo Pascual) at Julia Barretto (Marjorie Barretto at Dennis Padilla) na masunurin pa at masisipag mag-promote ng kani-kanilang projects.

Wish namin, tulad ng titulong “Wish Upon A Lusis” episode nina Iñigo at Julia sa Wansapanataym na mapapanood ngayong gabi ay hindi lumaki ang mga ulo nila pagdating ng araw.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Base sa obserbasyon namin kay Iñigo na diretsong magsalita ay hindi naman siguro lalaki ang ulo niya kundi sasabihin lang talaga niya kung ano ang gusto niya sa showbiz.

Magulo naman ang isipan ni Julia ngayon dahil sa problema nila ng Daddy Dennis niya kasama pa ang Mommy Marjorie niya. Sana ay maiba ang dalaga sa kinahinatnan ng career sa showbiz ng magulang at Tita Claudine Barretto niya.

Samantala, sa kuwento ng “Wish Upon A Lusis” ng Wansapanataym, mapapanood ngayong gabi na paglalapitin na muli ng tadhana ang mga bida. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama, gagawin ni JP (Iñigo) ang lahat upang makita uli si Joy (Julia) na bumihag sa kanyang puso.

Inaabangan kung magbabago ang pagtingin ni JP kay Joy kapag malaman niya ang tunay nitong pagkatao at ang hiwaga ng “magic lusis” na dahilan ng kanilang pagkikita.

Kasama nila sa episode na ito for January sina Susan Africa, Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagunsad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes, at Ana Roces mula sa panulat ni Joel Mercado at sa direksyon nina Manny Palo at Rahyan Carlos.