Enero 25, 750 A.D. nang sumiklab ang labanan ng Zab sa Umayyad Caliphate at sa Abbasids sa Great Zab River banks (ngayon ay nasa Iraq). Sa kasagsagan ng labanan, tuluyang tinalo ng Abbasids ang Umayyads at binuwag na ang Syrian army.

Nagmartsa ang Abbasid patungo sa Umayyad sa Syria at walang hirap na kinubkob ang Damascus.

Nagtungo si Marwan II, ang huling Umayyad caliph, sa Egypt ngunit namataan siya ng mga tauhan ng Abbasid at pinatay. Isang miyembro lang ng pamilya Umayyad, si Abd al-Rahman, ang nakaligtas mula sa kamatayan sa kamay ng Abbasids. Hindi nagtagal, pinagtibay ni Al-Rahman ang kontrol sa Umayyad sa Iberian Peninsula na nagwakas noong 1031.

Sa ilalim ng panuntunan, pinahahalagahan ng Abbasids ang pagkakapantay-pantay, at trinato nang patas ang mga hindi Arabo. Lumipat ang kabisera ng dinastiyang Abbasid mula sa Damascus patungong Baghdad.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

747 A.D. nang magdesisyon ang Abbasids na maghiganti laban sa Umayyads.