KABACAN, North Cotabato – Nalunod ang dalawang katao at nasa 10,000 katao ang naapektuhan ng baha sa bayang ito at iba pang mabababang lugar sa probinsiya nitong Huwebes, iniulat kahapon ng mga disaster official.

Sinabi ni Cynthia Ortega, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), na ang taya sa naapektuhan ng baha ay ibinatay sa pagsusuri sa post-flood data na patuloy pang kinukumpleto.

Ayon kay Ortega, nalunod ang 14-anyos na si Mark Bryan Amores, ng Barangay Bangilan, Kabacan habang tinatangkang iligtas ang kanyang mga alagang pato at manok na tinangay ng baha.

Nalunod din si Winnie Pajenado, 61, ng Brgy. Makalangot sa Arakan, habang inililigtas naman ang alagang kalabaw mula sa baha, ayon kay Ortega.

National

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa 3 weather systems

Ang baha ay bunsod ng pag-apaw ng Kabacan River kasunod ng magdamagang malakas na ulan nitong Huwebes, na nagpalubog sa mga barangay ng Poblacion, Dagupan, Katidtuan, Aringay, Bangilan, Kayaga, Salapungan, Pedtad at Buluan sa Kabacan.

Agad namang nagpatupad ng paglilikas ang PDRRMC, ayon kay Ortega.

Sa paunang report kay Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, sinabi ni Ortega na winasak din ng baha ang bahay nina Arnold at Arlene Gamboa sa Brgy. Batac, Magpet, habang isa pang makeshift house ang nahati.

Nalubog din sa baha ang University Iñigoof Southern Mindanao campus sa Kabacan, kabilang ang ospital ng unibersidad, noong Huwebes ng umaga, ayon kay Ortega.

Nalunod din sa baha ang kalabaw ng magsasakang si Catagman makaraang malubog ang mga bayan ng Magpet, Matalam at President Roxas, pawang mabababang lugar sa lalawigan.