Isang limang-buwang buntis ang pinatay sa saksak ng sarili niyang tiyuhin matapos siya nitong gahasain sa Barangay Gapas sa Santa Fe, Leyte.

Kinilala ng Sta. Fe Police ang biktimang si Annie Trecenio, 27, may asawa, ng Bgy. Gapas, Sta. Fe, Leyte.

Batay sa pagsisiyasat ni SPO3 Cyril Tiu, wala nang buhay at tadtad ng saksak sa katawan ang biktima nang madatnan sa loob ng kanyang bahay.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Ayon pa sa imbestigasyon, pilit umanong pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa pagtuklap sa plywood na dingding ng bahay.

Nakatakas at pinaghahanap na ngayon ang suspek.