SANAA (Reuters)— Nakipagbakbakan ang mga mandirigma ng Houthi group sa mga guwardiya sa pribadong bahay ng Yemeni president at pinasok ang presidential palace noong Martes, sinabi ng isang saksi, sa ikalawang araw ng karahasan sa Sanaa na nagtaas ng pangambang mahuhulog sa ganap na kaguluhan ang bansa.

Sa isang talumpati sa telebisyon, nagpahiwatig ang lider ng Houthi na si Abdel-Malek al-Houthi na ang dalawang araw na bakbakan ay bahagi ng kanilang pagtatangka na protektahan ang power-sharing deal na naglalayong magkaroon ng katatagan ang Yemen.

Binatikos niya si President Abd-Rabbu Mansour Hadi, na kaalyado ng US na nakakaalitan ng Houthi kaugnay sa draft constitution na naglalayong wakasan ang ilang dekada nang sigalot at kahirapan.

Kinondena ni UN Secretary-General Ban Ki-moon ang karahasan at nanawagan ng kaayusan sa bansa. Muli namang ipinahayag ng United States ang kanyang suporta sa gobyerno ni Hadi at nanawagan ng “immediate cessation of hostilities.”

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga