Hindi na magpapadala ang Pilipinas ng volleyball team sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.

Ito ang napag-alaman nang hindi nagkasundo ang isinagawang sekretong pagpupulong ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Volleyball Federation (PVF).

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, nagkaharap sina POC 1st Vice-President Jose Romasanta, dating Philippine Amateur Volleyball Association (PAVA) president Victorico “Concoy” Chavez at ang kasalukuyang PVF Secretary General na si Dr. Rustico “Otie” Camangian.

Ang sorpresang pulong ay nakatuon sana na resolbahin ang kalituhan kung kaninong koponan ang ipadadala sa kada dalawang taong SEA Games kung saan binuo ng PVF ang Amihan habang binuo naman ng POC ang Larong Balibol sa Pilipinas.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Gayunman, matinding diskusyon ang naganap sa dapat sana’y pag-uusapang kampanya ng Pilipinas sa darating na 28th SEA Games sa Singapore sa Hulyo 5 hanggang 16.

“It was a very heated meeting with many arguments opened,” sinabi ng source.

Napag-alaman pa na ipinag-utos mismo ni POC president Jose “Peping” Cojuangco sa asosasyon ng volleyball na dapat nilang kilalanin ang mga inihalal na opisyales noong 2005 bilang lehitimong mga pinuno at siyang dapat na magpatakbo sa gaganaping eleksiyon sa Enero 25.