WASHINGTON (AP)— Sinabi ni President Barack Obama na nais niyang itaas ang buwis sa mga Amerikanong mas malaki ang kinikita upang ipambayad sa mas mababang buwis para sa middle class at sa isang education initiative na sentro ng kanyang 2015 agenda.

Sa kanyang State of the Union Address noong Martes, sinabi ni Obama na ang tax code ay “riddled it with giveaways the super rich don’t need.”

Nais ni Obama na itaas ang top capital gains rate mula sa 23.8 porsiyento sa 28 porsiyento sa mga mag-asawa na kumikita ng mahigit $500,000, burahin ang tax break sa mga minanang yaman at magpataw ng bayarin sa malaking financial firms.

Ang panukala ay lilikom ng $320 bilyong buwis sa loob ng mahigit 10 taon upang mabayaran ang bagong tax credits at iba pang hakbang para sa middle class. Babalikatin din nito ang bayarin upang maging libre ang edukasyon sa kolehiyo.

PBBM, may mensahe sa araw ng Immaculate Conception: 'Serving others with compassion and humility'