Chad-at-Sarah-copy

DOBLENG biyaya para sa bagong kasal na sina One Tree Hill actor na si Chad Michael Murray,33 at sa Chosen actress na si Sarah Roemer,30. Ayon sa tagapagsalita ni Murray sa US Weekly, inaasahan na nila ang pagdating ng kanilang unang anak.

"Chad and Sarah are extremely happy and excited, and enjoying their life together," pahayag ng tagapagsalita ni Murray. "We please ask that their privacy be respected at this special and personal time."

Noong nakaraang Huwebes, Enero 15, namataan sina Murray at Roemer na magkahawak-kamay sa party ng Winter 2015 TCA ng ABC. Makikita sa nasabing larawan na may suot-suot si Murray na goma sa kanyang ring finger.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang noong Agosto nang basagin ng US Weekly ang balita na si Murray at si Roemer ay lumalabas. Si Roemer ay nakilala sa Disturbia at pelikula partikular na sa Fired Up! noong 2009 at The Grudge 2 noong 2006.

Malapit nang magbalik si Murray sa telebisyon kung saan siya ay gaganap bilang agent na kikilalanin bilang Jack Thompson sa Agent Carter ng ABC.

Siya ay nakilala sa kanyang papel bilang Lucas Scott, isang basketball player sa pelikulang One Tree Hill.

"It was a large part of my life, so every day that goes by, at some point you'll see something that refers to it, or at least I will, in my life," pahayag ni Murray sa Cosmopolitan.com. "Playing the moral compass for that show, which is what Lucas was, was a great way for me to learn as an artist, and to start understanding emotions and understanding myself."

Ito ang unang pagkakataong ikakasal si Roemer habang pangalawa naman kay Murray.