Kung hindi dahil sa kanselasyon ng misa sa isang simbahan sa Sampaloc, Maynila upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makadalo sa huling misa ni Pope Francis sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Linggo ng hapon, posibleng marami sa nananampalataya ang namatay sa isang malagim na trahedya.

Ito ay matapos bumigay ang malaking bahagi ng kisame ng Nuestra Señora del Perpetuo Socorro (NSPS) Parish, na mas kilala bilang “Calamba Church”, at gumuho sa mga nagsisimba dakong 7:00 ng gabi noong Linggo.

Pinalad na walang nasawi o nasugatan sa insidente dahil kaunti lang ang nakadalo sa misa at mabilis silang nakakubli sa ligtas na lugar, ayon sa mga testigo.

Kadalasang puno sa mga nagsisimba, nagsilbing volunteer sa Papal Youth Encounter sa “Papal Youth Encounter” sa University of Sto. Tomas (UST) ang mga residente noong Linggo ng umaga, bukod pa sa dumalo rin sa Papal mass sa Quirino Grandstand nang hapon kaya hindi sila naguhuan ng kisame.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Matatandaang nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pari ng mga paroko na kanselahin ang kani-kanilang misa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nananampalataya na makadalo sa misa ni Pope Francis sa Luneta noong Linggo.

“Nakatulong din ‘yung Papal mass. Kung hindi cancelled ‘yung mga mass (sa Calamba Church), malamang na maraming church-goer ang naapektuhan,” pahayag ni Worship Ministry Coordinator Maurice Distor.

Ang Calamba Church ay isinasailalim sa rehabilitasyon simula pa noong nakaraang taon.

Bagamat halos nakumpleto na ang panlabas na istruktura ng simbahan, na itinayo noong Agosto 28, 1951, nagpapatuloy pa rin ang pagkukumpuni sa kisame at altar nito.