Jennylyn-Derek-copy

ANG tatag ng English Only Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay dahil namumukod tanging ito na lang ang natirang palabas sa mga MMFF entry sa Gateway Cinemaplex at take note, nasa malaking sinehan pa, sa Cinema 1, na ibig sabihin ay marami pa ring nanonood.

Nakatulong ang word of mouth recommendations sa EOP na nalaman naming may world tour sa Amerika, Middle East at Europe.

As of now ay kumikita na ng P180M ang low-budgeted movie na ito nina Jen at Derek under Quantum Films.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sabi sa amin, “it’s truly a miracle from the heaven.”

Oo nga, considering na indie movie ang English Only Please na sinuwerteng makapasok sa MMFF Magic 7 at nanalo pa ng awards.

Samantala, may pre-Valentine concert si Jennylyn na gaganapin sa Skydome, SM North Edsa sa Pebrero 13, 7 PM na may titulong, Oo Na, Ako Na Mag-Iisa!  Kaya Samahan N’yo Naman Ako! Mabibili ang tickets sa lahat ng SM outlet or mag log in sa www.smtickets.com.