Hindi nagtagumpay ang isang swindler na matangay ang pera ng isang jeepney driver, matapos siyang madakip ng mga tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kulungan ang binagsakan ni Angelito Maglaya, 37, ng Block 8 Lot 18, Phase 7, Barangay 178, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Kuwento ng biktimang si Brodlee Pagtalunan, 29, ng No. 10 Paz Street, Bgy. Tugatog, Malabon City, bandang 5:00 ng hapon noong Biyernes nang sumakay sa kanyang jeep ang suspek sa Rizal Avenue, Extension, Caloocan City.

Inalok ng suspek ang biktima na aarkilahin ng una ang kanyang jeep sa halagang P2,500 para ihatid ang kanyang pamilya sa Bagong Silang.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Pumayag si Pagtalunan sa alok ni Maglaya at nagpasama pa ito sa kanya na mamili sa supermaket sa 12th Avenue.

Hiniram ng suspek ang cellphone ar P1,700 cash ng biktima at sinabing babayaran na lang niya ito sa Bagong Silang.

Nang ipaparada na ni Pagtalunan ang minamanehong jeep sa parking area ay tumakbo si Maglaya kaya hinabol niya ito.

Nakatawag-pansin sa mga DPSTM ang habulan ng dalawa at tumulong ang mga ito hanggang sa masukol si Maglaya.