TALAGANG MAHUSAY ● Bilang pagkilala sa kanyang mahusay na pamumuno at mga tagumpay ng pangangasiwa sa turismo, edukasyon, kalusugan, disaster risk reduction at climate change adaptation (DRR-CCA), gagawaran si Albay Gov. Joey Salceda ng The Outstanding Filipino (TOFIL) Award ng JCI Senate Philippines at Insular Life Assurance C. Ltd. ngayong buwan. Kasama niyang tatanggap ng parangal sina Gemma Cruz-Araneta para sa Kultura at Sining, at Francis Kong para naman sa Business Entrepreneuship sa Enero 29 sa Tanghalang Haribon, Insular Life Corporate City, Alabang, Muntinlupa City.

Hindi naman nakapagtataka ang parangal na ito sa minamahal nating Gov. Salceda dahil sa marami niyang pagsisikap: Sa Philippine Stock Exchange (PSE) kung saan nagtrabaho siya ng mga ilang taon, si Salceda ang lumikha ng mga “theoretical and technical tools” na nagpataas ng “analytical standards” sa pandaigdigang antas at nagsulong ng Philippine equities sa mga global fund manager. Dahil dito, kinilala si Salceda bilang “Father of the Philippine equities analytical industry”. Sa Kongreso kung saan nagsilbi siya ng siyam na taon, si Salceda ang bumalangkas ng fiscal reform roadmap ng bansa na ginamit mula pa ng Arroyo administration. Tatlo sa batas niyang binalangkas ang naging daan upang magkaroon ng access ang Pilipinas sa World Trade Organization.

BUT WAIT, THERE’S MORE ● Bilang Bicol Regional Development Council chairman, si Salceda rin ang utak sa likod ng ALMASOR (Albay, Masbate, Sorsogon) tourism alliance program na naging daan para bumaha ang mga turista sa Bicol. Bilang co-chairman ng UN Green Climate Fund (GCF) mula Oktubre 2013 hanggang Oktubre 2014, kinilala ng UN Climate Conference noong Disyembre ang tagumpay ng kanyang pamamatnugot dahil naihanda niya ang lahat ng kailangan, kasama ang pangangalap ng $10.3 bilyon para mapasimulan na ang programa ng ahensiya. Una rito ang pagkatalaga sa kanya ng UN bilang spokesman a Senior Global Champion sa DRR-CCA, at ang Albay bilang global model. Sa pamamagitan ni Salceda, ang Albay ngayon ang lalawigang may pinakamalaking college scholarship program sa kasaysayan ng bansa.

Haaay... Kung ganito lang sana kagaling ang iba nating mga leader!
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’