NAPAKARAMING umaasa, petisyon, apela at panalangin ang binigyang tinig ng iba’t ibang organisasyon at mga indibiduwal sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas.

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Papa na pakilusin ang Simbahang Katoliko na kumbinsihin ang mayayamang bansa na supilin ang kanilang gas emissions, na dahilan ng climate change, na nagdulot ng matinding lagay ng panahon tulad ng super-typhoon Yolanda. Ang maralita ang mas nagdurusa sa mga epekto ng climate change, ayon sa CBCP.

Libu-libong mensahe ang nakapaskil sa “prayer wall” ng official @Pontifex Twitter account ng Papa, na naghahagad ng kanyang tulong upang pagalingin ang maysakit, mabiyayaan ng supling ang mag-asawa, at makaroon ng trabaho.

Isang alyansa ng mga manggagawa sa Hacienda Luisita sa Tarlac at isang samahan ng mga magsasaka ang humiling sa gobyerno na palayain ang mga political prisoner.

Rep. Chua, itinangging naungkat ang 'impeachment' sa kanilang fellowship sa Malacañang

Ang mga miyembro ng elecric cooperative ang humiling sa Papa na manawagan sa gobyerno na bawasan ang hirap sa pagbabayad ng matas na singil ng kuryente sa taumbayan.

Isang environmental group sa Davao ag humiling sa Papa na suportahan ang panawagan para sa pagpapasa ng People’s Mining Bill upang mahinto ang walang habas na pagsasamantala sa mineral resources ng bansa.

At hiniling din ng mga Muslim sa Mindanao sa Papa na magsalita para sa kapayapaan sa bahaging iyon ng bansa, sa pag-asang matitiyak nito sa ating mga leader hinggil sa panukalang pagtatatag ng isang Bangsamoro entity.

Kung tutuusin, ang mga ito at ang iba pang mga apela ay maaaring ituring senyales ng diskuntento ng taumbayan. Sinabi na ni Pangulong Aquino mismo na handa niyang tanggapin ang anumang pagbabago na maaaring suportahan ng Papa hinggil sa kahirapan at kawalan ng katarungan sa bansa.

Isinagawa ang iba’t ibang uri ng apela dahil nagpakita ang Papa na nirerespeto niya ang status quo kung saan ito nakitang walang katarungan. Kinondena niya ang Mafia sa isang pagbisita sa isang lalawigan sa Italy. Sa Vatican mismo, pinasimulan niya ang mga reporma sa Vatican bank at sa mga operasyon ng Curia.

Sa huli, gayunman, gaya ng binigyang diin ni Luis Antonio Cardinal Tagle, archbishop of Manila, na si Pope Francis “can only remind us, but a lot of the things he will encourage us to do will depend on us. The real change can be achieved, he said, if the faithful will heed the call to live by mercy and compassion.”