SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Pinaniniwalaang kapabayaan ng mga magulang kaya namatay ang isang magkapatid na babae matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Purok 2, Barangay Poblacion North, Science City of Muñoz, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na sina Arlene Iligan, 6; at Trixie Iligan, isang taong gulang, habang nakaligtas naman ang dalawa pa nilang kapatid na sina Arnel Iligan, 9; at Arnold Iligan Jr., walong taong gulang.

Sa ulat kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, iniwan ang magkakapatid ng kanilang mga magulang na sina Arnold Iligan Sr. at Evelyn Iligan para manood ng Barangay Night sa Pag-asa Gym.

Batay sa impormasyong nakalap ng pulisya, sinadya ang sunog matapos mamataan ang isang hindi kilalang lalaki na nagmamadaling umalis mula sa likod-bahay ng pamilya Iligan para sumakay sa motorsiklo.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20