DETERMINADO ang anak ng aking amiga na magpari, kaya sa seminaryo tumuloy sa pag-aaral si Nicolas. Habang nasa loob ng isang semenaryo si Nicolas, dibdiban ang kanyang pag-aaral. Siyempre kasama sa kanyang pananalagin at pag-aaral ang matinding pagtitiis sa mga bagay na iniuugnay sa mundo sa loob ng maraming taon. Ayon na rin sa aking amiga, walang mamahaling gamit sa loob ng silid ni Nicolas.

Kung papasok ka sa kanyang silid, masasabi mong si Nicolas ay para sa buhay na banal, handa para sa isang bukas na laan para sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Kaya sa mga pagkakataong pansamantalang makalabas si Nicolas sa seminaryo, totoo ngang namamangha siya sa kanyang nakikita sa loob ng mall. Naglalaan siya ng maraming oras sa pagmamasid ng mga paninda, lalo na ang mga mamahaling gadget na kinahuhumalingan ng kabataang tulad niya. Ngunit sa halip na kainggitan ang iba pang kabataan na malayang nakabibili ng ano mang kanilang naisin, natutuwa pa si Nicolas sapagkat hindi niya kailangan ang mga iyon. Nang tanungin siya ng aking amiga, sinabi ni Nicolas: “Kuntento na ako”.

Tayong mga namumuhay sa isang lipunang binabaha ng komersiyo ay kailangang pagnilayan ang halimbawa ni Nicolas. Iyo rin namang makikita kapag pumasok ka sa isang mall, napakaraming establisimiyento roon na nagtitinda ng libu-libong kung anu-anong bagay mula sa isang gold fish sa pet shop hanggang sa totoong gold sa jewelry shop. Ilan ba roon ang talagang kailangan natin? Natitiyak kong mas marami ang hindi natin kailangan doon.

Sa totoo lang, mahirap para sa atin na sabihin nang matapat ang sinabi ni San Pablo Apostol: “Magiging kontento tayo sa damit at pagkain”. Sa ating pakikipaglaban araw-araw sa tukso ng materialismo ng ating kultura, gayahin natin ang halimbawa ni Nicolas. Habang naglalakad tayo sa mga pamilihan, mga palengke o sa mga mall, tayo rin ay magagalak na marami pala tayong hindi kailangan.

National

Amihan, shear line, ITCZ, patuloy na magpapaulan sa PH

Iyon ang unang hakbang. Ang susunod na hakbang ay ang maging mas matalino sa paggastos ng ating pera, ang maging mas bukas-palad sa nangangailangan, mas nagsasakripisyo ng mga biyayang ibinigay sa atin ng Diyos