Siyam na dati at kasalukuyang miyembro ng Kamara de Representantes ang iniuugnay ng Commission on Audit (CoA) sa iregularidad sa paggamit ng milyong-pisong halaga ng pork barrel fund.

Base sa 2013 annual audit examination findings sa Philippine Forest Corporation, sinabi ng CoA na tatlong non-government organization (NGO) ang kumubra sa P15.085-milyon halaga ng congressional fund na dapat sana’y inilaan sa reforestration project noong 2011 hanggang 2013.

Dalawa sa tatlong NGO—ang Maharlika Lipi Foundation, Inc. at Kapuso’t Kapamilya Foundation, Inc.—ay nabanggit na rin sa mga nakaraang CoA audit report na nakakuha ng malaking halaga mula sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel”.

Nakakubra umano ng P67.7 milyon ang MLFI mula sa PDAF habang ang KKFI ay nakakuha ng P34.4 milyon na kapwa nagmula sa P515-milyon pondo na idinaan sa National Commission on Muslim BarcalaFilipinos na pinamumunuan ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Mehol Sadain subalit hindi nagamit ng grupo.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Ang ikatlong NGO, Katipunan ng mga Samahan ng Mamamayan, Inc., ay nakatanggap ng P3.5 milyon mula sa P5-milyon pork barrel fund ni dating Laguna Rep. Evita Arago.

“Three NGOs that were selected by mere endorsements from the proponents/legislators, contrary to Government Procurement Policy Board (GPPB) Resolution No. 12-2007, were released a total of PP15.085 million drawn from PDAFs in 2013 although there was no provisions in the 2011 General Appropriations Act earmarking that the projects be contracted out to NGOs,” pahayag ng CoA, base sa Philforest audit report.

Inatasan ng state auditors si acting Philforest President Analiza Rebuelta na gumawa ng kaukulang hakbang upang papanagutin ang mga personalidad na responsable sa pagbibigay ng proyekto sa tatlong NGO na labag sa batas. (Ben F. Rosario)