PAGPAPAHALAGA sa pamilya at importansiya ng pagpapatawad ang ituturong aral nina KC Concepcion at Paulo Avelino ngayong umaga sa pagtatapos ng Pasko-serye ng ABS-CBN naGive Love on Christmas Presents Exchange Gift.

Sa kabila ng pagsisikap ng anak nilang si Jacob (Miguel Vergara) na panatilihing buo ang kanilang pamilya, lalong titindi ang gulo sa mag-asawang Christian (Paulo) at Anna (KC) na plano nang ituloy ang kanilang paghihiwalay.

May magagawa pa ba si Jacob upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kanilang pamilya? Tuluyan na nga bang matutuldukan ang relasyon nina Anna at Christian o maibabalik pa ba nila ang tamis ng kanilang pag-iibigan? Sa huli, maisasantabi ba nina Anna at Christian ang kanilang mga hindi pagkakaintindihan para sa kanilang kaisa-isang anak?

Ang Give Love on Christmas ay binuo ng tatlong kuwento na umikot sa pamilya, relasyon, at pag-ibig. Nauna nang napanood ang The Gift Giver nina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino, at Louise Abuel, at ang The Gift of Life nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Ito ay pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Huwag palampasin ang pagtatapos ngExchange Gift ngayong Biyernes bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.