Kinakailangan ni four division world champion Juan Manuel Marquez ang lubusang pagpapagaling sa kanyang kanang tuhod bago lumaban sa Mayo o Hunyo.

Muling ipinasuri ni Marquez ang kanyang napinsalang tuhod at sinabi ng kanyang mga doktor sa Mexico City na hindi na ito kailangang tistisin at mapagagaling ito sa tulong ng mga inirekomendang physical therapist.

Sa panayam ni Miguel Rivera ng BoxingScene.com, iginiit ng Mexican boxer na may kartadang 56-7-1 (win-loss-draw) na may 40 pagwawagi sa knockouts na sa edad na 41 ay kaya pa niyang lumaban at matamo ang ikalimang kampeonato.

"I'll start therapy. The good news I got is that I do not require any surgery, only therapy. We do not know how long it may take, only that it could last up to four months for a full recovery,” ani Marquez. “It is not ruled out that I could have a fight in the first half of the year. Maybe in March or April a decision can be made more accurately.”

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Huling lumaban si Marquez noong nakaraang Mayo at nagwagi sa puntos laban kay Mike Alvarado sa isang WBO welterweight eliminator bout ngunit tumanggi na siyang hamunin ang kampeon na si Manny Pacquiao na tinalo niya noong Disyembre 8, 2012 sa 6th round knockout sa Las Vegas, Nevada.

Para kay Marquez, kung makakarekober ang kanyang kanang tuhod ay maaari pa siyang lumaban at makasungkit ng world welterweight crown.