KRIS Aquino and Derek Ramsay

HINDI napigilan ni Derek Ramsay na sabihing, "Kris is a blessing!" Kaugnay ito ng pag-iimbita sa kanya ng Queen of All Media na makita at ma-meet ni Derek at kanyang mommy si Pope Francis sa Malacanang.

Lima lang ang puwedeng imbitahin ni Madam Kris sa pagdalaw ng holy pope sa Malacanang bago tumuloy sa Tacloban, Leyte. Kabilang dito sina Ma'am Charo Santos-Concio at dalawa niyang anak na sina Bimby at Joshua, at si Derek with his mom.

Kaya lang, hindi marahil kakayahin ng kalusugan ng mom ni Derek na pumunta sa nasabing okasyon dahil kagagaling lang nita sa isang operasyon. Hindi rin puwedeng iwan ni Derek ang kanyang dad, dahil hindi pa balanse ang kilos nita kapag tumatayo at kailangan din ang kanyang attention kapag lalakad. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa MMFF awards night na nanalo pa naman siyang best actor. He was with his mom and dad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya, labis-Iabis niyang pinasasalamatan si Kris.

"She's really a blessing to our family," sabi ni Derek nang makausap namin sa grand presscon ng TV5 sa Sampaguita Gardens nitong Martes para sa mga bagong show na ipapalabas ng Kapatid Network. Opening salvo ang Mac & Chiz ni Derek at ng "hunk wannabee" na si Empoy Marquez. Tuwing Linggo starting January 25 ito mapapanood, 8 PM. It can also be told this time na mahal na mahal din ng mom ni Derek si Madam Kris, katunayan siya mismo ang bumili ng kuwintas na ibinigay ni Derek kay Kris.

"I just told my mom na mahilig si Kris sa cross. We didn't even bother to check kung ano ang tatak ng kuwintas, which turned out to be HB (Hans Bruman)," natatawang kuwento pa ng aktor. "Incidentally, I know you will be excited to learn na matutuloy na ang pagsasama namin ni Kris sa isang pelikula ng Star Cinema at Regal Entertainment. Kasama dinnamin si Uge (Eugene Domingo).

"Ito ang mauuna kaysa follow-up movie naminni Jennylyn Mercado also from Quantum Films after English Only Please. Gusto ko kasing paghandaang mabuti ang follow-up movie 'coz malaking pressure sa amin na gawing mas maganda ang kasunod. Malaki ang expectations ng lahat ng nanood ng movie sa Metro Manila Film Festival week at hanggang ngayon."

Binanggit ko rin kay Derek na pati foreigners ay nanonood pala ng kanyang pelikula, kahlt hindi nila naintindihan ang dialogue. Naging tagahanga agad sila ni Derek.

Sa Greenbelt nang magkita si Derek at anak kong si Farah, natulala ang kaibigang Italian model ng daughter ko. 'He's so handsome even in person. I want to take my picture with him, pero I was speechless'," anang kaibigan ni Farah.

Natatawa tuloy ang anak ko.

"Sa halip na sagutin kung ano ang nangyari sa gap nila ng ABS-CBN noon, ang nasabi niya: "Please remember that I also owe ABS-CBN a lot for whatever I am today. I was sad when it happened, pero maging happy na lang tayo. Let's talk about Mac and Chiz namin ni Empoy," aniya. Guess who's playing the mother of Derek and Empoy in their sitcom?

"Si Diana Zubiri," sagot niya. "Ang sexy ng mom namin ni Empoy. Pero, mamamatay siya agad dahil sobrang nalungkotnang paghiwalayan kaming magkakambal ni Ana Roces. Bitter siya dahll hindi siya ang nakatuluyan ng dad namin. Napunta si Empoy sa mom ko na mahirap at ako naman ay sa dad ko na mayaman."