UMAAPAW sa kagalakan si Judy Ann Santos-Agoncillo sa nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa Sabado.

Tuwang-tuwa at touched si Juday sa gagawing pangungumusta ni Pope Francis sa kalagayan ng Yolanda survivors. Ibinahagi ng award-winning host ng hit game show na Bet On Your Baby na paraan din ito ni Pope Francis para himukin ang sambayanan na tibayan ang tiwala sa Diyos.

“Ang lakas makabuhay ng puso kapag mapuntahan ka at makita mo si Pope Francis. Sana lahat tayo makaramdam na may mga tao sa paligid natin na tutulong at magbibigay ng inspirasyon sa atin para hindi mawala ang tiwala natin sa Diyos,” ani ni Juday.

Suot ang kanyang #POPETYSM shirt, sinabi rin ni Juday na gusto niyang makita si Pope Francis kung mayroong pagkakataon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Para sa akin kung mabibigyan ng chance, bakit hindi. Makita mo from afar si Pope ay bonus na sa akin ‘yun,” dagdag ng host.

Samantala, nagpapasalamat si Juday sa patuloy na pagsuporta sa kanyang game show at nangakong mas bongga pa ang papremyo sa Bet On Your Baby ngayong 2015.

Napapanood ang Bet On Your Baby simula Lunes hanggang Biyernes alas-5 ng hapon sa ABS-CBN.