COCO Martin

NAUNA nang inihayag ni Vice Ganda sa panayam sa kanya ni Kris Aquino sa KrisTV na gusto niyang makagawa ng dalawang pelikula ngayong taon, isa with Daniel Padilla at ang isa pa ay with Coco Martin.

Kaya hindi na nakakagulat nang ihayag naman ni Coco sa isang panayam na may gagawin siyang movie with Vice, na comedy siyempre. Kung first time niyang gumawa ng horror film with Kris Aquino, first time din siyang magko-comedy with Vice.

"First time ko tala gang gumawa ng comedy. Siyempre makakasama ko ang best friend ko na si Vice and saka magaan ito, malapit sa puso namin kasi spoof ito ng buhay naming, eh. Sabi ko nga siyempre na-challenge ako kasi ngayon lang ako gagawa ng ganitong tema ng pelikula," ani Coco.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Siya ang nagbigay ng konsepto para sa kanilang comedy film.

"Ganon naman ako, eh sabi ko nga sa bawat soap opera na ginagawa ko, sa bawat pelikulang ginagawa ko, gusto ko kasi may partisipasyon ako. Siyempre napakarami naming mga nakatrabahong artista, napakarami naming nakatrabaho sa pelikula, why not magsama kami sa isang pelikula at nakaisip ako ng magandang konsepto para sa aming dalawa," sey ng aktor.

"Siyempre bilang isang artista dapat iba-iba ang ginagawa mo, para kaming clay na kung papaano mo kami imo-mold dapat gano'n kami, siyempre nakagawa kami ng horror movie and this time gusto ko gumawa ng comedy."

Sa Oktubre ang tentative target playdate ng movie nila ni Vice, kaya mali ang haka-haka na isasali ito sa MMFF2015. Sabi ni Coco, may iba siyang gagawin for MMFF, ang movie version ng kanyang soap na Juan dela Cruz.

"Sa filmfest kasi, ako, wini-wish ko sana makagawa ako ng Juan dela Cruz, pangarap ko na sana this coming MMFF 2015. Sabi ko sana magawa ko ang Juan dela Cruz."

Zero pa rin ba ang lovelife niya?

"Medyo busy pa, eh, kasi kakatapos pa lang ng Feng Shui at itong January may gagawin rin kaming pelikula ni Toni (Gonzaga), sabi ko nga rom-com naman, iba rin na nakakatuwa siguro. Sobrang blessed at nakakatuwa kasi pinagkakatiwalaan ako ng Star Cinema," sey pa ng teleserye king.