KUALA LUMPUR, Malaysia (AP)— Bumagsak sa pinakamababang antas ang sea piracy sa mundo sa loob ng walong taon noong 2014, ngunit umakyat naman ang hijacking ng mga barko dahil sa mga pag-atake sa maliliit na tanker sa baybayin ng Southeast Asia, sinabi ng isang global maritime watchdog noong Miyerkules.

Inakyat ng mga pirata ang 21 barko noong nakaraang taon at hinostage ang 442 crew member, tumaas mula sa 12 barko at 304 crew member noong 2013, ayon sa London-based International Maritime Bureau sa kanyang taunang piracy report.

“The global increase in hijackings is due to a rise in attacks against coastal tankers in South East Asia,” wika ni IMB director Pottengal Mukundan. Ang IMB’s piracy reporting center ay nakabase sa Kuala Lumpur.

“Gangs of armed thieves have attacked small tankers in the region for their cargoes, many looking specifically for marine diesel and gas oil to steal and then sell,” aniya sa pahayag.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS