WASHINGTON (Reuters)— Na-hack ang Twitter at YouTube accounts ng US military command na namamahala sa mga operasyon nito sa Middle East noong Lunes ng mga taong nagsasabing sila ay tagasuporta ng Islamic State militant group na tinatarget ng mga pambobomba ng Amerika.

“American soldiers, we are coming, watch your back, ISIS,” paskil ng mga hacker sa U.S. Central Command Twitter feed, gamit ang acronym ng hardline Islamist group, na kumubkob sa malaking bahagi ng Syria at Iraq.

“In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, the CyberCaliphate continues its CyberJihad,” sabi ng Central Command Twitter feed matapos itong mapasok.

Inamin ng mga opisyal ng US ang insindente na nakompromiso ang mga account sa loob ng 30 minuto ay nakakahiya ngunit ipinagkibitbalikat ang epekto nito. Sinabi ng FBI na iniimbestigahan na nito ang nangyari.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS