Kritikal ang kondisyon ng isang estudyanteng taga-Hong Kong matapos paluin ng baril sa ulo ng isang holdaper sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan ngayon sa Manila Central University (MCU) Hospital si Michelle Liang, 25, Interior Design student sa University of Sto. Thomas, naninirahan sa 46-D Tandang Sora Street, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo.

Base sa report, bandang 10:00 ng umaga, naglalakad sa EDSA Monumento ang biktima habang may kausap sa cellphone nang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at tinutukan ng baril ang dalaga saka nagpahayag ng holdap.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tumangi si Liang na ibigay sa mga suspek ang kanyang cellphone kung kaya’t pinalo siya ng isa sa mga ito sa ulo. Duguang bumagsak sa semento ang biktima habang tinangay ng mga salarin ang bag nito na may lamang P20,000 cash.