NO. 1 TV network ang ABS-CBN sa buong taon ng 2014 dahil mas maraming kabahayan ang tumutok sa mga programa nito, lalo na pagdating sa pinakamahalagang timeblock na Philippine primetime block, simula 6 PM hanggang 12 ng hatinggabi.

Sa data ng Kantar Media simula Enero hanggang Disyembre 2014 ay nagtamo ang ABS-CBN ng total day (6 AM to 12 MN) average national audience share na 44%, mas mataas ng sampung puntos sa 34% ng GMA. Patuloy itong namayagpag sa primetime sa average audience share na 49%, lamang ng 17 puntos sa 32% ng GMA.

Nagwagi rin ang Kapamilya network sa early afternoon (12 NN to 3 PM) at late afternoon blocks (3 PM to 6 PM) na parehong may 42% average audience, samantalang 35% at 34% naman ang nakuha ng GMA sa nabanggit na timeblocks sa Pilipinas.

Lahat ng puwesto sa listahan ng 20 pinakapinanood na programa sa buong bansa sa katatapos lang na taon ay hinakot ng ABS-CBN. Pinangunahan ito ng Twitter-trending singing reality show na The Voice Kids sa average national TV rating na 34.5%.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pagdating sa balita, nanatiling pinakasinusubaybayan ang top 11 na TV Patrol (27%) laban sa kakompetisyon nitong 24 Oras na lumapag sa ika-35 puwesto sa national TV rating (15.6%).

Kabilang din sa top 20 programs noong 2014 ang Honesto (31.7%), Dyesebel (30.1%), Ikaw Lamang (28.4%), Got To Believe (28.3%), Hawak Kamay (28.1%), Maalaala Mo Kaya (28%), Dream Dad (27.7%), The Voice of the Philippines (27.5%), Wanspanataym (27.1%), Forevermore (26.8%), Annaliza (22.9%), Rated K (22.7%), The Legal Wife (22.4%), Bagito (22.1%), Pure Love (21.6%), Home Sweetie Home (21.5%), Mga Kuwento ni Marc Logan (21.1%), at Two Wives (20.9%).

Maging sa huling buwan ng taon ay hindi nagawang lamangan ng ibang istasyon ang ABS-CBN na pumalo ang total day average national audience share nito noong Disyembre sa 43%, walong puntos na mas mataas sa 35% ng GMA.