Pinuri ng Malacañang ang isang proyekto na magbibigay ng pagkakataon sa mga overseas Filipino worker (OFW) na dating mga guro na muling makapagturo, partikular sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng proyektong “Sa ‘Pinas, Ikaw ang Ma’am/Sir” ng Department of Education (DepEd) at Department of Labor and Employment (DoLE), mahigit sa 300 posisyon para sa mga public school teacher ang ilalaan sa mga OFW na nais bumalik at magturo sa bansa.

”We congratulate Labor Secretary Rosalinda Baldoz and Education Secretary Brother Armin Luistro for launching and pushing this kind of program,” pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. sa panayam ng Radyo ng Bayan.

Sinabi ni Coloma na hiniling ng DoLE sa DepEd na maglaan ng hindi bababa sa 300 posisyon para sa mga OFW bilang karagdagang guro sa mga pampublikong paaralan.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

”According to DepEd, there will be at least 39,000 vacant positions for Teacher 1 for this school year 2015,” ani Coloma.

Ayon pa kay Coloma, ipinarating na ni Luistro sa kaalaman ni Baldoz ang pagpasa ng unang batch ng 10 guro sa screening process ng DepEd upang makapagsimula na sa kanilang bagong trabaho. - PNA