Kathryn & Daniel

MATATAGALAN pa pala bago ipalabas ang remake ng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil inuunang tapusin ang pelikulang wala pang title na ipalalabas ngayong Pebrero.

“This year din ang PSY (Pangako Sa ‘Yo), pero hindi alam kung kailan, basta this year,” kuwento ng nakatsikahan naming taga-ABS-CBN/Star Cinema. “Kailangang kasing tapusin muna ang movie kasi this February na ipapalabas, si Direk Mae Cruz ang direktor. Nauna nang kunan ang lahat ng eksena ni Kathryn susunod na si Daniel.”

Napangiti ang kausap namin nang mag-usisa kami kung kasama sa pelikula ang mga napo-post sa social media na bakasyon nina Daniel at Kathryn sa ibang bansa.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“May show po sila sa ibang bansa, kaya ‘yung mga na-post na pictures, doon lang ‘yun,” paliwanag naman ng isa pang taga-Dos.

Hindi na kami nakipagdebate pa, panonoorin na lang namin ang pelikula para malaman kung saan ang mga location nina Daniel at Kathryn.

Samantala, naisip din namin na kaya siguro na-delay ang taping ng Pangako Sa ‘Yo dahil kasalukuyang humahataw sa ratings game ang Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil na tadtad pala ng ads (ito raw ang pinaka-loaded sa lahat ng show) at hindi na nga raw malaman ng taga-ABS-CBN Marketing kung paano pa ia-accommodate ang iba pa na gustong pumasok.

Oo nga naman, alangan namang iere ang Pangako Sa ‘Yo habang umeere ang Forevermore na magkabilang sa iisang unit. Kaya pelikula muna sina DJ at Kath. Tama ba, Bossing DMB? –Reggee Bonoan

(Editor’s note: Hala, papunta ba ito sa rivalry ng KathNiel at XandNes, Reggee? Exciting year, he-he….)