Inihayag ng Malacañang na inaasahan nila ang pangako ng Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi magiging banta ang New People’s Army (NPA) sa seguridad ni Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, malaki ang kanilang paniniwala na pangangatawan ng mga rebeldeng komunista ang kanilang inanunsyong ceasefire sa limang araw na papal visit.

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?