Nagbabala ang isang senior member ng Minority Bloc sa mga kapwa niya kongresista laban sa pagpapasa ng “half-baked” na Bangsamoro Basic Law (BBL) sa harap ng political pressure at banta ng panibagong karahasan sa Mindanao.

“Umaapela ako sa mga kapwa ko mambabatas na huwag magpapadala sa anumang political pressure o sa pangambang sumiklab uli ang armadong labanan sa Mindanao (sa pagbibigay sa BBL ng) sa pagrerebyu at pagtatanggal ng maraming kuwestiyonableng probisyon na posibleng unconstitutional,” sabi ni Isabela 1st District Rep. Rodolfo Albano III.

Aniya, ang pagpapasa ng isang hilaw na kasunduang pangkapayapaan ay magiging isang “legislative misadventure” lang na tiyak na ibabasura ng Korte Suprema. - Ellson A. Quismorio
National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs