Mayroon nang hawak ng malakas na ebidensiya ang gobyerno laban sa mga sentensiyadong drug lord na patuloy ang pakikipagtransaksiyon kahit pa nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima matapos niyang ipag-utos kamakailan ang paglilipat sa lima pang high-profile inmate sa NBI detention facility.

Ang limang bilanggo na kasama ngayon ng unang batch ng 20 convict na inilipat sa NBI facility ay sina Gianfranco “Gean” Pasco, Engelbert Durano, Noel “Mong” Arnejo, Joselito Valiente, at Brando Ramirez.

“Ang unang tatlong pangalan ay mga drug lord,” saad sa text message ni De Lima.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Ayon sa kalihim, nakabawi noong Sabado ang mga tauhan ng NBI na sumalakay sa selda ng mga high-profile inmate sa NBP ng mga notebook na nasusulatan ng pangalan ng mga personalidad at gramo at halaga ng naibentang droga.

“The other kubols raided, supposedly belonging to Pasco and Durano, [yielded] very incriminating evidence of what are obviously drug transactions,” giit ni De Lima.

Ito na ang ikaapat na pagsalakay ng NBI at ng iba pang ahensiya ng gobyerno sa Maximum Security Compound ng NBP laban sa mga kontrabandong ipinuslit ng mga bilanggo, tulad ng droga, baril, appliances, malaking halaga ng salapi at maging sex dolls.

Itinurong may-ari ng mga kontrabando sina Pasco, Duran, Armejo, Valiente at Durano. Si Valiente ay itinuturing na dating big-time drug lord na konektado sa Batang Cebu.